Nagpalabas ng schedule ng biyahe ng kanilang mga tren ngayong Undas hanggang sa weekend ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT)-Lines 1 at 2, at ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3.

Batay sa abiso ng LRT 1 at 2, ang kanilang operasyon ay nakabatay sa ipinatutupad nilang regular holiday at weekend schedules.

Para sa LRT-1, ang unang biyahe ng tren mula sa Roosevelt Station sa Quezon City ay 4:30 ng umaga, habang ang huling biyahe ay aalis ng 9:45 ng gabi, samantalang ang huling biyahe sa Baclaran ay 9:30 ng gabi.

Sa LRT-2, ang unang biyahe mula sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila ay 4:30 ng umaga, at ang huling tren ay aalis ng 10:30 ng gabi.

National

Isang Davaoeño, kumubra ng kalahati ng ₱22.4M Super Lotto 6/49 Jackpot

Ang unang biyahe naman mula sa Santolan Station ay 4:30 rin ng umaga, at 10:00 naman ng gabi ang huling biyahe.

Samantala, inihayag naman ng MRT na ang biyahe nito sa Nobyembre 1-4 ay simula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Ang last trip ng tren mula sa North Avenue Station sa Quezon City ay 9:10 ng gabi, habang ang huling biyahe sa Taft Avenue sa Pasay City ay 9:50 ng gabi.

-Mary Ann Santiago