MAY message si Regine Velasquez sa kanyang bashers, pero ang ginamit na photo sa kanyang post ay ang logo ng Idol Philippines ng ABS-CBN, na sinasabing isa siya sa mga judges.

“Dear bashers, I’m truly happy for GMA. Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy. But just a suggestion, tutal sinasabi n’yong lahat na hindi ako kailangan ng GMA, sinabihan n’yo ako na wala akong utang na loob, wala akong loyalty (apparently 20 years can not be considered being loyal), na mukha akong pera. Maybe you guys can stop insulting me, my husband, and my son. Lumipat lang ako ng network, hindi ako pumatay ng tao.

“Again I’m grateful for my 20 years in GMA. I made a lot of friends there and I have great memories being a Kapuso. Tutal naman po nayurakan n’yo na nang bonggang-bongga ang pagkatao ko, na para bang may nagawa akong masama sa inyo personally. You guys obviously HATE me, gets ko na po. Gets ko rin na hindi n’yo panonoorin ang mga shows na gagawin ko sa ABS, tanggap ko na po ‘yun at wala naman pong pilitan ito. Free TV po ito, walang bayad. We are all here to provide you entertainment FOR FREE!!! So, sa madaling salita, kayo ang panalo dito. Nagmamahal, Kapamilya Regine.”

Nag-comment si Sharon Cuneta sa post ni Regine, at napansin ng followers ng Asia’s Songbird na mas mahaba ang comment ng Megastar kaysa kay Regine.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Hahahaha! Tama! Wala kang kuwentang tao at 20 years lang, eh ang loyalty ay 100. Mukha ka rin palang pera! Eh ilang taon ka nang ino-offeran ng malaking halaga ‘di mo tinatanggap napakakapak mo naman pala! Tsk, tsk, tsk. Kasi siguro naghihirap na kayo ni Ogie (Alcasid) at wala nang makain kaya kailangan mo na mag-grow at lumipat ng network. Ang sama-sama n’yong tao! Hayaan mo, hindi manonood ang bashers mo.

“Kaya tandaan mo ito, mas tataas ang ratings ng anumang shows mo, Kapamilya! Ganyan ‘pag ‘di ka na papanoorin ng bashers. Pinagpapala ka kundi man sa ibang network, sa isang milyong ibang bagay pa, kasi ang palad ng inaapi!!!

“Mag-thank you tayong lahat sa bashers! Woohoo! Ang inaapi bine-bless ni God. Kayo nabilang n’yo ba ilang taon kayong ‘yan pa rin ang buhay at ‘di pa umaasenso? Baka naman mali kayo. Basta God bless and tenks so much!!! Mabuhay ang mga Kapamilya!”

Maikli naman ang sagot ni Ogie sa nasabing post ni Sharon: “You are loved sweetheart. Truly loved.”Nag-post uli si Sharon after nito: “En I Laaab you so much Regine and Ogie! God blessed you so much because ang madaming nakakakilala sa inyo ang nakakaalam how good your hearts are and how much you deserve to be blessed and loved by all of us!

“True fans who love you will love you no matter what. So be thankful that you now know who your true fans are and that the vermin that are too selfish to understand you and be happy for your growth as artists are gone. You do not need them crowding the studios and taking up space from those who really love you!

“We love you, Ogie and Regine! Kahit ano pa gawin ng mga ‘yan HINDI NA KAYO KAYA MABUWAG. Who you lang sila at ‘di naman sila palalagpasin ng Panginoon. We love you so much!!!”

Kabilang din sina Jed Madela, Kim Chiu, Cacai Bautista, KZ Tandingan, at Iza Calzado sa mga nagparating ng suporta at pagmamahal kay Regine, kaya lang pati sila ay na-bash na rin.

Kung may message si Regine sa kanyang bashers, may message rin siya sa kanyang supporters at bongga ang pasasalamat niya sa kanila.

“Dear supporters, baklang kawal, and friends, thank you sooo much for the love. I’m feeling it nang bonggang-bongga. Please do not worry about me I’m actually ok but there is time to cry and time to love. Time to feel hurt, time to feel angry, time to fight, time for healing and time to forgive. I think as human we need to feel and acknowledge these feelings.

“Hindi tayo bato, tao po tayo. Bullying is never ok kahit ano pang style at anong shape or form pa ‘yan. Hindi masamang ipagtanggol ang sarili lalo na’t nasaktan na. Thank you again for being with me.”

-NITZ MIRALLES