FIRST time ng Faulkerson family na mararanasan ang Undas or All Souls’ Day this year—sa labas ng kanilang bahay, sa loob ng isang musoleo.

Alden

Batay sa interview ng “Chike Minute” ng 24 Oras kay Alden Richards, sinabi ng aktor na ililipat na nila ang ashes ng kanyang Mommy Rio (Rosario Reyes-Faulkerson) sa mausoleum na ipinatayo niya.

Ten years na kasing nasa bahay lang nila ang ashes ng ina, sa isang altar na inilagay nila roon.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Sixteen years old pa lang si Alden nang pumanaw ang kanyang ina sa lung cancer. At dahil wala silang pera noon, matapos ang ilang buwang pagkakasakit ng mommy niya ay ipina-cremate nila ang body nito, at nag-request sa church na sa bahay na lang muna ilalagak ang urn ng ina.

Kaya tuwing Undas ay nasa bahay lang ang pamilya Faulkerson.

Ngayong tapos na ang mausoleum na ipinagawa ni Alden ay ililipat na nila ito roon.

Tamang-tama naman na walang taping ng Victor Magtanggol si Alden ngayong Wednesday, dahil sa observance ng All Saints’ Day at All Souls’ Day, pero nag-double taping day sila ng Monday at Tuesday.

Sabi nga ni Alden, time na ito to rest and bond with his family, na matagal-tagal na niyang hindi nagagawa dahil sa sunud-sunod na schedules niya.

-NORA V. CALDERON