MULI na namang nanawagan si Lea Salonga sa fans at followers sa pamamagitan ng Twitter at post niya: “Here’s a question for you al. Why hasn’t Nora Aunor been honored with the National Artist Award? I ask sincerely, because given her talent and body of work, I’m surprised it hasn’t happened yet, her previous troubles aside. Thanks.”

Lea

Maganda ang sagot kay Lea ng Twitter followers niya as to why hindi pa napoproklamang National Artist si Nora, at anang fan, may kinaalaman daw ito sa pulitika.

May nag-comment pa na may politically powerful rival si Nora, kaya mahihirapan siyang maging National Artist. May nagsabi namang sa showbiz industry, kailangan pang mamatay muna ng isang artist bago kilalanin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mayroon ding nagpasalamat kay Lea “(for) taking stand when others are too afraid to give their opinions.” May nag-tweet pa nga na si Lea pa lang, “among Ate Guy’s peers ang nagbigay ng pansin & in a way support kay Ms Nora Aunor na dapat ang buong industria ang cyang nag iingay sa INJUSTICE na ito, bcoz Ate Guy is representing the “whole” showbiz industry.”

Matatandaang pati sa termino ni dating Pangulong Noynoy Aquino, hindi rin naproklamang National Artist ang superstar at ang rason daw ay moralidad. Pero, tanong ng supporters ni Nora, lahat ba ng mga naproklamang National Artists ay walang bahid ng dungis ang mga pangalan at walang nagawang kasalanan?

-NITZ MIRALLES