MABABASA sa Facebook page ni Kris Aquino ang three-part “life update” niya para sa kanyang supporters, na nagtatanong tungkol sa kalusugan at career niya.

Ikinuwento ni Kris kung ilang klase ng gamot ang iniinom niya araw-araw para sa hypertension, bouts with migraine at allergy, bukod pa sa mga vitamins. Tinawag din niya ang sarili bilang “walking pharmacy.”

“At least buhay,” saad niya.

At tungkol naman sa demanda laban sa taong nanloko sa kanya, na milyones ang halagang nakuha, ayaw nang magbigay pa ng detalye ni Kris, dahil baka makaapekto pa sa kaso at baka makatulong pa ito sa akusado.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Para kay Kris ay hindi lang ang perang nakuha sa kanya ang ipinaglalaban niya, dahil kaya naman niyang kitain ito. Mas nag-aalala siya na baka ma-stress din sina Josh at Bimby sa pag-aalala sa kanya.

“It was my health that suffered. I would not have taken it to this level had it not been my health, and had it not been my children suffering,” katwiran ng Queen of Online World and Social Media.

Hindi naman pinalampas ni Kris ang basher na nagsabing mayabang siya kaya inabot niya ang ganito.

“If gusto ng marami lumagapak ka at hindi ka na makabangon then kailangan bilib ka talaga sa sarili mo. Because I was born to be a fighter and I really refuse to be left on my knees. I refuse to lose,” diretsong sagot niya.

“Hindi naman ninakaw ang pinambayad ng aming mga bahay at lupa, huwag na akong diktahan na ibalik ang buhay namin sa kadiliman.

“My belief is simple, do not harm yet accept no bullying either. Life is too short to spend it explaining my actions to people preconditioned to misunderstanding. I prefer to breathe.”

-Reggee Bonoan