May 11, 2026

Home BALITA National

LTO, nangunguna bilang 'most complained agency'

LTO, nangunguna bilang 'most complained agency'
Photo courtesy: RTVM/YT, LTO


Isiniwalat ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Secretary Ernesto Lopez sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Mayo 5, na namamayagpag ang Land Transportation Office (LTO) bilang “most complained agency”  sa bansa.

Batay sa kumpirmasyon ni Sec. Lopez, naungusan na ng LTO ang Food and Drug Administration (FDA) sa unang puwesto.

“Latest, as of March 31, bumaba na po ang FDA from number 1 to number 3—ang number 1 most complained na po [ay] ‘yong LTO,” saad ni Sec. Lopez.

Depensa ng kalihim, karamihan naman daw sa nga reklamong natatanggap ng mga ahensya ay nabibigyang-solusyon pa rin.

“Pero karamihan po dito, that cases that were filed to us, almost mga more than 90% are resolved, meaning closed,” anang kalihim.

“Dahil po ang ARTA, ‘pag nakakatanggap po kami ng complaint, nire-refer natin kaagad dito sa Committee on Anti-Red Tape. At alam po ninyo na kapag alam nila that ARTA is already onboarded, even before the hearing is set by ARTA, most of the time nire-resolve na po nila ito at hindi na po ito nai-elevate into a formal complaint,” paliwanag pa niya.

Anang kalihim, karamihan daw sa mga reklamo ay may kinalaman sa delay in acting on filed applications, imposing additional requirements, violation ng citizens charter, at iba pa.

National

Diokno sa pagkaka-impeach ni VP Sara: 'The Senate now must fulfill its constitutional duty!'

Pagkumpirma rin ni Sec. Lopez, number 3 ang LTO noong 2025 sa most complained agencies na naitala ng ARTA.

Aniya pa, karamihan daw sa mga reklamo sa LTO ay mula sa Metro Manila.