Inaresto ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang 17 overseas Filipino workers na dumalo sa isang kasiyahan sa Riyadh.
Sinabi ni Labor Attache’ to Riyadh Dasser Mustafa na inaresto ang mga Pinoy nang may magreklamo sa maingay na Halloween party, na mahigpit na ipinagbabawal ng kaharian lalo na kung magkakasama ang mga lalaki at babae.
Bukod sa 17 Pinoy, dinakip din ng Saudi authorities ang ilang dayuhan.
Nilinaw ni Mustafa na hindi ang mga Pinoy ang nag-organisa ng nasabing party at inimbitahan lamang sila.
Inaalam pa ni Mustafa ang eksaktong bilang ng mga kababayang naaresto at kung saang detention facility sila dinala.
Batay sa report, nag-viral pa sa social media ang pag-aresto sa mga Pinoy sa isang Halloween party.
-Bella Gamotea