Nakahanda si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ikonsidera ang pagbuhay sa peace talks sa mga komunistang rebelde kung mabibigyan siya ng lider ng grupo na si Jose Maria “Joma” Sison ng magandang rason para gawin ito.

Ito ang hamon ng Pangulo kay Sison matapos aminin na kailangan niya ng “more” mula sa mga rebelde para ipakita na sinsero sila sa kapayapaan.

“Jose Maria Sison give me a good reason to go back to the bargaining table. If there is none or if it’s just a repeat of what we have discussed earlier then that will not suffice,” ani Duterte sa birthday celebration ni dating Foreign Affairs secretary Alan Peter Cayetano sa Davao City nitong Linggo ng gabi.

“I need more, I need more. I might be greedy but I am greedy because I am the worker of the Republic of the Philippines,” aniya pa.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Gayunman, nilinaw ng Pangulo na hindi siya luluhod para makipag-usap sa mga rebelde, hindi sila maaaring mag-demand tulad ng pagbuo ng coalition government.

“I will not talk to you on bended knees na kayo ang mag-dictate? Ako ‘yung dapat ‘yung tigas, bakit kayo?” aniya.

-Genalyn D. Kabiling