SELYADO na ang trono ng “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime bilang pinakamatagumpay na singing-talent competition sa bansa nang gawaran ito kamakailan ng Seal of Excellence sa Best Choice Awards 2018.

Dahil sa sunud-sunod na tagumpay, kalidad, at makabagong proyektong inilunsad nito, iginawad sa Kapamilya singing competition ang titulong Most Successful Singing-Talent Competition in Philippine Television ng Best Choice Awards.

Kinilala rin sa Best Choice Awards ang “Tawag ng Tanghalan” grand champion na si Noven Belleza bilang Best New Male Singing Artist, at si Marielle Montellano naman bilang Best New Female Singing Artist.

Nasa ikatlong taon na ang TNT sa paghahanap at paglilinang sa pinakamagagaling na Pinoy singers mula sa bansa at buong mundo sa It’s Showtime.

Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa

Produkto ng makasaysayang kumpetisyon ang international sensation na TNT Boys at si Rachel Gabreza, na nagwagi ng sa global singing contest na Stars of the Albion Grand Prix sa London.

Mula sa telebisyon, lumaki na rin ang TNT at tumawid na sa online world ang pagbibigay ng world-class performances sa pamamagitan ng YouTube channel nitong TNT Versions o TNTV.

Patok ito sa online listeners at kamakailan ay nakatanggap ng Silver Creator Award mula sa YouTube dahil sa pagkakaroon nito ng 100,000 subscribers. Sa ngayon, mayroon na itong halos 200,000 subscribers.