MAPAPANOOD na ang inaabangang music video ng female idol group na MNL48, ang Talulot ng Sakura, sa numero unong music channel sa bansa, ang MYX.

MNL48

Tampok ang mga Senbatsu members ng sing-and-dance group na sina Sheki, Abby, Sela, Tin, Alice, Ella, Ash, Gabb, Jem, Sayaka, Faith, Lara, Grace, Quincy, Alyssa, at Erica sa nasabing video na kinuhanan sa Movie Stars Café at sa La Mesa Eco Park.

Nagbigay inspirasyon dito ang official music video ng Sakuara no Hanabiratachi, ang awiting mula sa sister group ng MNL48, ang tanyag na AKB48 ng Japan.

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

Si Tetsuya Hashi ang nagdirek ng video. Mensahe ng kanta, tuluy-tuloy ang pagbabago at dapat harapin ang hinaharap nang walang inaalala.

Ang Talulot ng Sakura ay kasama sa debut album ng MNL48 na iprinodyus ng Star Music sa pakikipagtalungan sa Hallo Hallo Entertainment.

Abangan ang bagong music video ng MNL48 sa MYX.