JAKARTA (AP) — Bumulusok sa dagat ang Lion Air flight JT610 na may sakay na 189 katao ilang minuto matapos itong lumipad mula sa kabisera ng Indonesia kahapon.

Nagpaskil ang Indonesia disaster agency sa online ng mga litrato ng mga nadurog na smartphone, mga libro, bag at mga piraso ng fuselage ng eroplano na nakolekta ng search and rescue vessels.

Sinabi ng Lion Air na sakay ng eroplano, nasa 1-oras at -10-minutong biyahe patungong Pangkal Pinang sa island chain malapit sa Sumatra, ang 181 pasahero, kabilang ang isang bata at dalawang sanggol, at walong crew members.

Ayon sa National Search and Rescue Agency, bumagsak ang eroplano sa tubig malapit sa West Java na may lalim 98 hanggang 115 feet.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Sinabi ng hepe ng ahensiya na si Muhammad Syaugi sa news conference na sinisikap ng divers na matunton ang wreckage ng eroplano, na ayon sa aviation website na Flightradar24 ay brand-new at kade-deliver lamang sa Lion Air nitong Agosto.

Ayon sa Indonesia Transport Ministry, bumulusok ang Boeing 737 Max 8 plane, umalis sa Jakarta dakong 6:20 ng umaga, makalipas ang 13 minuto. Ipinaklita ng data mula sa aircraft tracking website na FlightAware na narating nito ang taas na 5,200 feet bago bumulusok.

Sumugod sa Pangkal Pinang airport ang mga nag-aalalang kamag-anak ng mga pasahero. Nagtayo na ang transport ministry ng crisis centers sa Pinang airport sa Pangkal at Soekarno Hatta airport sa Jakarta