Patay ang isang construction worker nang aksidente umanong mahulog mula sa rooftop ng tatlong palapag na ginagawang apartment sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Agad namatay si alyas Cris, nasa hustong gulang, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, nahulog si Cris mula sa rooftop ng ikatlong palapag na apartment na matatagpuan sa 5th Street, Barangay 183, Villamor sa nasabing lungsod, pasado 12:00 ng hatinggabi.

Sa pahayag sa awtoridad ni Niko Vidal, construction worker, naghiwalay sila ng biktima matapos ang kanilang inuman, pasado 8:00 ng gabi.

Eleksyon

1.2 million hacking attempts, naitala ng Comelec sa kanilang precinct finder

Aniya, lasing si Cris ngunit kinaya pa nitong umakyat sa rooftop upang doon matulog subalit makalipas ang ilang oras ay ginising na lamang siya ng isa pa nilang kasama sa trabaho upang ibalitang nahulog at namatay ang biktima.

Inaalam ng awtoridad kung may foul play sa insidente.

-Bella Gamotea