HANDA na ang lahat sa pagtulak ng 2018 Mayor’s Cup Chess Tournament, NCFP rated event ngayon sa Robinsons Place Balibago Angeles City, Pampanga.

“This is part of our grassroots development program,” pahayag ni tournament director Jose Fernando Camaya.

Ang one-day event na suportado ng local government ng Angeles City, Pampanga sa pangunguna ni Mayor Edgardo D. Pamintuan at ng Angeles City Sports Office ay tampok ang two division tournament, ang Open division at kiddies division.

Giit pa ni Camaya nakataya ang cash prizes sa mga magwawagi kung saan ang tatanghaling kampeon sa Open division ay mag-uuwi ng P6,000.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa isang banda, nakalatag naman sa magkakampeon sa kiddies division ang P3,000 habang may maiuuwi naman ang second hanggang fifth na tig P1,500, P1,000, P700 at P500 ayon sa pagkakasunod.

Sa detalye at pagpapatala, hanapin si NA Jose Fernando Camaya sa mobile number: 0915-881-4752.