Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapaghain na sila ng partial motion for reconsideration sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 148, matapos na ibasura ng korte ang hirit ng Department of Justice (DoJ) na ipaaresto si Sen. Antonio Trillanes IV.

Base sa mosyon ng DoJ, hiniling nila sa Makati RTC Branch 148 na amyendahan ang ruling sa pagbasura sa kanilang hirit na maglabas ang korte ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) sa kasong kudeta ni Trillanes.

Hiniling din nito sa Makati RTC na panatilihin ang kanilang desisyon na nagpapatibay sa legalidad ng Proclamation No. 572 ni Pangulong Duterte, na nagpapawalang bisa sa amnesty ni Trillanes.

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang korte sa partial motion for reconsideration ng DoJ sa Martes, Oktubre 30.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

-Beth Camia