Hindi na nahirapan ang mga pulis sa pagtugis sa isang wanted na lalaki matapos na maaresto sa loob mismo ng police station sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nadakip na si Marco Angelo Mangulat, 36, ng KM 15 A, Marcelo Street, Dalandanan ng nasabing lungsod, na may nakabimbin na kasong paglabag sa Sec. 5 (a) ng RA 9262 (Violence Against Women and their Children Act).

Sa report, kumuha si Mangulat ng police clearance sa Valenzuela City Police Station na nakabase sa Mac Arthur Highway Barangay Malinta, Valenzuela City, bandang 10:00 ng umaga.

Dahil sa modernong teknolohiya na gamit ng Police Clearance Department, na-trace sa computer na may kaso si Mangulay sa Caloocan City ilan taon na ang nakalilipas.

Eleksyon

Mga nanalong senador, target maiproklama ng Comelec sa weekend

Dahil dito, hinuli ang akusado sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Raymundo G. Valega ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130 ng Caloocan City.

-Orly L. Barcala