Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni William Cerdena, 42, mister ng Galilee Street, Sitio Nazareth, Valley 6, Barangay San Isidro, Parañaque City.
Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang pamamaril malapit sa bahay ng biktima sa nabanggit na lugar, bandang 1:30 ng hapon.
Nakatayo si Cerdena sa lugar nang sumulpot ang lalaki na armado ng .45 caliber pistol at binaril ng ilang beses ang biktima.
Tumakas ang suspek bitbit ang naturang baril na ginamit nito sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon at follow-up operation sa insidente.
-Bella Gamotea