Patuloy ang masusing imbestigasyon sa pagbibigti ng isang doktor sa Las Piñas City, iniulat ng Southern Police District (SPD).

Wala nang buhay nang matagpuan si Brian Raysen Carillo y Singson, 39, nakatira sa No. 12 Mitonia Street, Santos Village Phase 3, Zapote, Las Piñas City.

Sa naantalang ulat na ipinarating sa SPD, natagpuan ni Ofella Carillo ang bangkay ng kanyang anak sa loob ng kuwarto nito nitong Oktubre 23, sa ganap na 12:30 ng hapon.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO3 Rey Layosa, walang sugat sa katawan.

National

'Pekeng' doktor na tumuli sa namatay na 10-anyos, dati na raw nabilanggo

Ayon kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Marion Balonglong, tumangging magsalita ang pamilya Carillo kaugnay ng motibo sa pagpapakamatay ng biktima.

-Bella Gamotea