TAMANG-TAMA na nilapitan ni Beautederm President and CEO Rhea Anicoche Tan para maging first celebrity endorser ang paborito niyang aktres na si Marian Rivera. Aminado si Rhea na matagal na niyang gustong maging endorser si Marian, pero hindi puwede sa iba niyang beauty and wellness products dahil nga preggy ngayon ang magandang aktres.

Zia, Marian, at Dingdong copy

Nang una niyang lapitan si Marian, ang tanong daw agad nito ay kung anong produkto ang i-eendorse ng aktres. Pero napaghandaan na ito ni Rhea dahil ang ibinigay niya ay ang Reverie by Beautederm Home, a line of home scents mula sa soy candles to room and linen sprays. Collaboration na ito nina Marian at Rhea dahil hinayaan na niya si Marian na pumili ng mga scents at packaging ng bawat products na gagawin niya.

Kaya naman no problem si Marian, kahit na ilang buwan na lang ay isisilang na niya ang second baby nila ng asawang si Dingdong Dantes, at magiging kapatid ni Zia. Hindi pa nila alam ni Dong kung boy or girl ang isisilang niya.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

“Pero si Dong may mga napili nang names kung babae o lalaki ang isisilang ko. Basta healthy ang baby, no problem sa amin at kahit nga si Zia, alam na niya na magiging ‘Ate’ na siya dahil sinasanay na namin siyang tawagin ng ganito para alam niya na may magiging kapatid na siya,” kuwento ni Marian.

Pero kung may isa pang ipinagpapasalamat si Marian, ito ay ang hindi pagtuloy ni Dingdong sa pagkandidato sa 2019 local elections.

“Siyempre natuwa ako nang sabihin niya na hindi siya tutuloy kumandidato. Sabi niya ‘mas mahalaga ka sa akin, ang coming baby, ang pamilya natin’,” say ni Marian.

Thankful din si Marian dahil kahit preggy siya ay patuloy pa rin ang pagdating ng bagong endorsements. Last week kasi, kalo-launch lang nila ni Maine Mendoza ng Maxi-Peel Zero. First time nila iyon na nagsama sa isang endorsement.

-Nora V. Calderon