Sarado sa mga motorista ang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila bukas, Oktubre 27, upang bigyang-daan ang ika-40 anibersaryo ng Jesus Is Lord (JIL) Church sa Rizal Park.Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tatlong southbound lanes mula sa Kalaw hanggang P. Burgos Streets ang hindi maaaring daanan ng mga motorista simula 12:01 ng umaga.
Ang mga natitirang lanes sa nasabing bahagi ay isasara naman simula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hatinggabi.
Ayon pa sa MMDA, isang lane sa kalsada sa Kalaw, Bonifacio Drive at P. Burgos ang magsisilbing ‘drop off points’ ng mga bus na may sakay na mga dadalo sa event.
Nagtakda rin ng parking areas sa Intramuros, Cultural Center of the Philippines (CCP), at Philippine International Convention Center (PICC).
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, inaasahang aabot sa 100,000 katao ang makikiisa sa pagdiriwang sa Quirino Grandstand.
-Bella Gamotea