Iniimbestigahan ng mga pulis ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), unang nadiskubre ang bangkay ni Edgar Dizon y Corda, 46, sa loob ng kanyang bahay sa No. 406 Building, Barangay Talon 1, Las Piñas City, bandang 9:30 ng umaga.

Sa pagsisiyasat, wala sugat ang katawan ng biktima nang matagpuan ito ng kanyang pamilya.

Samantala, isang concerned citizen naman ang nakakita sa bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa kahabaan ng Samuel Street, Bgy. Manuyo 2 sa nasabing lungsod, bandang 4:00 ng hapon.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Inilarawan ang biktima na nasa edad 20-25, nakasuot ng tribal sando at maong shorts, at may sugat sa dibdib.

-Bella Gamotea