MAY panahong naging aktibo ang anak ni Ronaldo Valdez, si Janno Gibbs sa pelikula at telebisyon. Nakatrabaho niya ang ilang komedyante tulad nina Dennis Padilla at Andrew E sa bakuran ng Viva. Hindi lamang sa pagiging comedian siya hinangaan kundi maging sa pagkanta.
Propesyunal man o personal ang naging dahilan ng biglang pagkawala ni Janno sa limelight, itinuturing pa rin na the best ang bersiyon ni Janno ng Ipagpatawad Mo.
May mga nagsabing dismayado raw si Janno sa takbo ng kanyang career. Hirap din daw ang aktor na mag-adjust sa kanyang schedule dahil hindi sanay gumising nang maaga.
Matapos ang matagal na pananahimik ay balik-Viva na si Janno. Pumirma siya ng managerial contract recently, at lagi na siyang napapanood sa mga show ng Kapamilya.
Anyways, welcome back, Janno! ‘Ika nga, it is never too late na magsimula ulit lalo na dahil ikaw si Janno Gibbs, na puno ng talento.
-Remy Umerez