IPINALABAS na nitong Martes, October 23, ang teaser ng full action-drama series na Cain at Abel ng GMA-7. Ang ganda ng teaser at halata mong pinaghandaan talaga ito ng production team sa pangunguna ni Direk Mark Reyes. Ayon pa sa teaser, “Mangyayari na ang pinakahihintay na banggaan ng dalawang hari.”

Dingdong at Dennis C&A copy

Ang tinutukoy na dalawang hari ay ang dalawang bigating star ng GMA Network, na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Drama King Dennis Trillo. Pagkatapos ng story conference nila ay nagsimula na rin silang mag-taping at ang mga unang kinunan ay mga eksena sa Subic Bay. Doon ay gumamit ng mga sasakyang pandagat sina Dingdong at Dennis.

Sa ngayon ay wala pang sinasabi kung sino ang gaganap na Cain at kung sino si Abel. Sino ang mabait at sino ang masama? Pero ang sigurado, todo ang aksyon sa seryeng ito.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Bukod kina Dingdong at Dennis, kasama rin sa cast sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Chanda Romero, Carlo Gonzales, Boy 2 Quizon, Ronnie Henares at for sure madadagdagan pa ito. Hindi pa rin sinasabi kung kailan ang pilot telecast ng Cain at Abel pero mapapanood na ang teaser sa kanilang Facebook account.

-Nora V. Calderon