Higit pang lumakas ang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), at inaasahang papasok sa bansa ngayong weekend, at tatawaging ‘Rosita’.

Ayon kay Ariel Rojas, weather specialist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo, na may international name na ‘Yutu’, sa 2,553 kilometro sa silangan ng Visayas, kahapon ng umaga.

Mula sa severe tropical storm nitong Martes, lalo pang lumakas ang Yutu at ganap nang naging bagyo kahapon, na may dalang hanging umaabot sa maximum 160 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 195 kph.

Posibleng lumakas pa ang bagyo habang tumatawid sa Pacific Ocean, ayon kay Rojas.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Kapag napanatili nito ang kanluran-hilagang-kanlurang direksiyon sa bilis na 20kph, maaaring pumasok ang Yutu sa PAR sa Sabado o Linggo, bagamat hindi ito inaasahang magla-landfall.

-Ellalyn De Vera-Ruiz