HALOS magkasabay pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Lani copy

Naunang pumirma si Lani sa Star Music (sister company ng ABS-CBN) nitong October 16, at sumunod si Regine na binigyan ng bonggang welcome sa kanyang pagpirma ng two-year exclusive contract sa network last October 17.

Ngayong pareho nang nasa ABS-CBN sina Regine at Lani, inaabangan ng madlang pipol kung kailan mapapanood ang dalawa na mag-perform sa ASAP kasama ang iba pa nilang mga kasabayang singers mula sa Kapuso network, gaya nina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jona, Jay-R, at Kyla.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa panayam ng PEP at Cinema News kay Lani, nagpahayag siya ng excitement sa posibleng pagsasama-sama nila nina Regine, Ogie at Janno sa isang show.

“Oo naman, sa tagal naming ‘di nakapagtrabaho, as in ‘yung lahat kami, of course, I’m looking forward,” sabi ni Lani.

“It’s going to be one venue or one avenue for us to be together. I don’t know if it’s going to happen anytime soon, but who knows?”

Agad na tinanong si Lani kung nakapag-usap na ba sila ni Regine.

“Magkasama kami, I think mga two weeks ago ba ‘yun? Huling ano ng programa (The Clash) namin. ‘Yun ang huling pagsasama namin at pag-uusap, at magkikita kami uli dito.”

Sa renewal ng contract niya sa Star Music, nagkuwento si Lani tungkol sa panibagong album na gagawin niya sa naturang recording label.

Ayon kay Lani, iba raw ito sa mga nagawa niyang album dati dahil ire-release din ito internationally.

Bukod sa kanyang bagong album ay isang malaking concert din ang pinaghahandaan ni Lani para sa susunod na taon.

“Since ito nga ang bago naming project, kasi kung naaalala ninyo ‘yung last ko na album, yung Nightingale Returns. Koleksiyon ‘yun ng mga best love OPM classics, and this time naman, gagawin namin lahat ng songs in English, kasi yung last ko puro in Tagalog. This time naman, all in English,” sabi ni Lani.

-Ador V. Saluta