Ipinagtanggol kahapon ng mga mambabatas ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte na inakusahan ng pagtatayo ng political dynasty, sinabi na ang mga botante ang magpapasya sa isyu.

Sinabi ni AKO BICOL partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., miyembro ng House Minority bloc, na hindi dapat kondenahin ang mga miyembro ng pamilya ng Pangulo sa pagtakbo sa halalan at pagnanais na pagsilbihan ang mamamayan. “These are all elected in a democratic process so you cannot blame them,” aniya.

Idiniin naman ni Manila City Rep. Manny Lopez na sa tao nagmumula ang tunay na kapangyarihan. “For as long as the sovereign will of the people is not subverted, wala tayong magagawa diyan,” aniya.

Binabatikos ang mag-anak ni Duterte dahil sa pagtakbo sa halalan.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ay muling tatakbong mayor, habang ang kapatid niyang si dating vice mayor Paolo Duterte ay inaasintang maging kinatawan ng first district ng Davao City. Ang bunsong si Sebastian Duterte ay nagpasyang sumabak sa vice mayoralty race.

-CHARISSA M. LUCI-ATIENZA