TULUY-TULOY na ang taping nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo para sa action drama ng GMA-7 na Cain at Abel. “Giant teleserye” ang description sa project, dahil first time na magsasama ang dalawang Kapuso actors. Ngayon pa lang, gusto nang mapanood ng fans ng dalawa ang first teleserye nila together.

Dingdong at Dennis

Curious ang Kapuso viewers kung sino kina Dingdong at Dennis ang lalabas na bida at kontrabida. Pati ang magiging billing ng dalawang aktor, inaabangan din. May gusto namang malaman kung paano napapayag ang dalawang aktor na magsama sa isang project.

Kasama nina Dingdong at Dennis sa Cain at Abel sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez. May sabi pang si Sanya ang pag-aagawan ng dalawang aktor, na gaganap na magkapatid. Sina Don Michael Perez at Mark Reyes ang mga direktor ng teleserye.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Samantala, magkasama sina Dingdong at Dennis sa GMA Network’s MassKara Festival mall shows to promote Cain at Abel, kasama sina Solenn at Sanya.

Sa SM City Bacolod naman ang show nina Carla Abellana at Rocco Nacino, na gumaganap na mag-asawa sa Pamilya Roces. Makakasama nila sina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz, na main cast ng Asawa Ko, Karibal Ko, na magpa-pilot na ngayong Lunes, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-Nitz Miralles