Naniniwala ang mahigit kalahati ng mga Pilipino na ang mga isda at iba pang seafood na ibinebenta sa mga palengke ngayon ay mas maliit, mas mahal, at kakaunti na lang kumpara sa nakalipas na mga dekada.

Sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa nitong Setyembre 23-27, nasa 54 na porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na lumiit at kumaunti ang mga isda at seafood sa mga pamilihan.

Nasa 82% naman ang nagsabi na mas mahal na ang mga isda at seafood ngayon, kumpara sa nakalipas na 10 taon.

Napuna rin ng SWS na patuloy na nababawasan ang huli ng mga Pilipinong mangingisda sa nakalipas na apat na taon, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) simula 2008 hanggang 2017.

National

De Lima, tinanggap alok ni Romualdez dahil sa 'duty at principle'

Lumabas din sa survey na karamihan ng mga respondents, o nasa 71%, ang kumakain ng isda at seafood nang limang beses sa isang buwan.

-Beth Camia