August 06, 2026

Home BALITA National

Vida sa naglabas ng info na nahuli si Sen. Bato: 'Baka nagpapapansin lang!'

Vida sa naglabas ng info na nahuli si Sen. Bato: 'Baka nagpapapansin lang!'
Photo courtesy: DOJ, MB

Inihayag sa publiko ni Department of Justice (DOJ) Sec. Fredderick Vida na baka nagpapapansin lang ang taong naglabas ng impormasyong nahuli na umano si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Matatandaang pumutok ang mga balita ng umano’y pagkahuli ng mga awtoridad kay Dela Rosa noong Martes, Agosto 4, 2026, ngunit mariing pinabulaanan ng mga ahensya ng DOJ, Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pa ang naturang impormasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Ping sa umano'y pagdakip kay Sen. Bato: 'Kung nahuli yun, nasa airport na yun!'

Sa naging pahayag ni Vida sa panayam sa kaniya ng media nitong Huwebes, Agosto 6, sinabi niyang may obligasyon daw ang iba’t ibang mga ahensya na ipaalam sa kaniya sakaling maaresto si Dela Rosa. 

Diin ni Vida, tungkulin daw niyang mapasailalim ng kustodiya ng DOJ si Dela Rosa sa panahon na maaresto ito ng mga awtoridad. 

National

Malacañang umaasang hindi 'mangmang' mga pumirma sa isang petisyon ukol sa Pax Silica

“As soon as they have him na in their custody, yes, they have the obligation to arrest. Kasi definitely, I would be the official of the Philippine Authorities to, for which his custody, I would be in charge of him,” pagsisimula niya. 

Ani Vida, inaalam pa lang daw nila kung kanino nagsimula ang impormasyong nahuli na ang naturang senador dahil baka raw nagpapapansin o nanggugulo lang daw ito. 

“We’re trying to validate. I’m checking with the NBI, where is this coming from? Baka naman kasi ‘yong nagbibigay ng ano, nagpapapansin lang or it’s a diversionary,” aniya. 

“We don’t want to preclude anything. But based on this, wala kaming validated information,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito ngayong Huwebes, wala pa ng lumalabas na mga impormasyon kaugnay sa kumpirmasyon ng pagkahuli ng mga awtoridad kay Dela Rosa. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Bad news is coming. Pray hard that it is not true, for the good of the nation!'—Jimmy Bondoc