Ang intertropical convergence zone (ITCZ), kung saan nabubuo ang posibleng low pressure areas (LPA) at mga bagyo, ay maghahatid ng maraming pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao hanggang weekend.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ang Palawan, Western at Central Visayas, at Mindanao ng maulap na kalangitan na may manaka-nakang pag-ulan, at pagkulog at pagkidlat dahil sa ITCZ. May posibilidad na magkaroon ng flash floods o landslides dahil sa matinding thunderstorms, babala ng PAGASA.
Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalangitan may kalat-kalat na pag-ulan. Ang mga lugar na ito ay maaari ring makaranas ng biglaang malalakas na ulan hanggang sa matinding thunderstorms na maaaring magdulot ng flash floods o landslides sa mabababa o bulubunduking lugar.
Ellalyn De Vera-Ruiz