August 06, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking naputulan ng dila dahil sa bugbog, pumanaw na!

Lalaking naputulan ng dila dahil sa bugbog, pumanaw na!
Photo courtesy: Unsplash

Binawian na ng buhay ang isang construction worker na naputulan ng dila, habang nasa ospital noong Miyerkules, Agosto 5, 2026.

Ayon sa pamilya ng biktima, tuluyang bumigay ang kaniyang katawan matapos ang ilang araw niyang pananatili sa ospital.

Bukod sa naputol na dila, basag din ang ngipin ng biktima bunsod ng tindi ng pambubugbog sa kaniya ng mga salarin.

Matatandaang kamakailan lang ng napaulat ang paghingi ng tulong ng biktimang construction worker para sa pagtustos sa kailangan niya sa ospital. Ito ay matapos silang bigyan lamang ng ₱1,500 ng isa sa mga suspek.

Noong Hulyo 25 nang kuyugin ang biktima ng mga suspek habang papunta siya sa kamay. Nasaksihan pa ng anak niyang 11 taong gulang ang pambubogbog sa kaniya na siyang mabilis na nakahingi ng tulong.

Probinsya

Magkaibigang namimitas ng santol para sa Nutrition Month, patay matapos makuryente!

Naipa-record na umano sa pulisya ang insidente. Gayunman, sinabi ng pamilya na hindi naaresto ang mga itinuturong suspek matapos umanong i-refer sa barangay ang usapin. 

Samantala, desidido naman ang mga naulila ng biktima na tuluyang magsampa ng kaukulang reklamo laman sa mga suspek.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng krimen.

Ayon sa pulisya, isa sa mga tinitingnan nilang anggulo ay ang posibilidad na matagal ng alitan sa pagitan ng mga suspek at biktima.