Habang isinusulat ang balitang ito, kritikal ang isang ginang makaraang hatawin ng bato ng isang lalaki na umano’y may galit sa kanya sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Dahil sa fracture sa ulo, under observation sa ospital si Avelina Navarro, 40, walang permanenteng tirahan, habang arestado naman ang suspek na si Ronelito Flogio, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Raxabago Police Station 1 (PS-1), nahihimbing ang biktima sa bangketa sa bahagi ng N. Zamora Street, sa Tondo nang lapitan ni Flogio at saka hinataw sa ulo ng bato saka tumakas, dakong 1:00 ng madaling araw.

Sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, matapos ang panghahataw ay nakabangon at nakaupo pa ang biktima hanggang sa isugod sa ospital.

National

Sen. JV, nag-react na bukas si PBBM sa reconciliation sa mga Duterte

May nakapagsumbong naman sa kinaroroonan ng suspek kaya naaresto ito sa follow-up operation.

Hindi naman itinanggi ng suspek ang krimen at sinabing nagalit siya sa biktima dahil isinusumbong siya nito sa mga pulis na gumagamit ng ilegal na droga.

-Mary Ann Santiago