NOVEMBER 2017 pa lamang ay magkakasama na sa taping ang main cast ng The Step Daughters sa afternoon prime ng GMA 7, na sina Megan Young, Katrina Halili at Mikael Daez, kaya naman ngayong huling araw na ng serye nila mamayang hapon, ay tiyak daw na mami-miss nila ang isa’t isa.

Megan at Mikael

Unang nagpahayag si Megan Young, na gumaganap bilang si Mayumi, ng kanyang nararamdaman.

“Of course lahat ng tao na naka-work ko sa series. From the production na sobrang babait, to our director. Wala kasi kaming ginawa rito kundi tumawa after each take.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Pero ang pinakamami-miss ko talaga, si Katrina. I never thought magiging ka-close ko siya dahil forever kaming magkaaway sa mga eksena. Ang dami kong natutunan sa kanya pagdating sa pag-arte. ‘Yung pinakagusto ko du’n is ‘yung pagsampal na parang totoo pero acting lang pala.”

Singit naman ni Mikael Daez na si Francis sa serye: “The Step Daughters is special for me because ito ‘yung unang soap na magkasama kami ni Megan. But ‘yung pinaka-unforgettable experience ko is ‘yung mga eksena ko with Sef (Cadayona) and EA (Guzman) kasi nagkaroon kami ng bond. Napakakukulit kasi nila and they don’t make you feel like this is work. Talagang masaya lamang at mahuhusay sila at marami akong natutunan sa kanila.”

Sabi naman ni Katrina Halili as Isabelle: “Mami-miss namin ‘yung samahan. Nakakalungkot pero happy kami na nakilala namin ang isa’t isa. Sa trabaho kasi importante na okay ka sa lahat, para everytime na papasok ka, happy kayong lahat. Si Megan, wala akong masasabi sa kabaitan niya.”

Ang aabangan ngayong hapon ay kung makakaya ba ni Mayumi na maipagtanggol ang sarili niya kay Isabelle. May maganda pa namang pangyayari sa kanila ni Francis dahil nalaman na nito na magkaka-baby na sila at tinanggap niya ang marriage proposal ni Francis. Pero si Isabelle, ayaw talagang tumigil hanggang hindi niya napapatay si Mayumi.

Abangan ang explosive finale mamaya. Matutupad kaya ang gusto ng netizens na sumusubaybay sa serye, na isang malagim na kamatayan ang mangyari kay Isabelle?

-Nora V. Calderon