Apektado na ng hindi pagkakasundu-sundo sa pulitika ang political group na United Nationalist Alliance (UNA) ng pamilya Binay.

Ito ay matapos na samahan ni dating Vice President Jejomar Binay, isa sa mga founder ng UNA, ang anak na si incumbent Makati City Mayor Mar-Len Abigail “Abby” Binay para sa hangad nitong re-election.

Matatandaang taong 2016 nang binuo ang UNA, at sa ilalim nito ay kumandidato sa pagkapangulo ang nakatatandang Binay, pero natalo ito.

Nabatid na hindi sinuportahan ng dating Bise Presidente ang naging pasya ng isa pa niyang anak, si Senator Nancy Binay na suportahan ang kandidatura ng isa pa nitong kapatid na si dating Makati City Mayor Junjun Binay, na makikipagtapatan sa kapatid para maging susunod na alkalde ng siyudad.

National

Harry Roque, isasama arrest warrant ng korte sa pag-apply niya ng asylum sa Netherlands

Sinamahan pa ng senadora si Junjun nang maghain ito ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) sa Makati.

Dahil dito, naghain ng leave of absence si Nancy bilang pangulo ng UNA simula kahapon.

“With my absence, I will be focusing more on my job as a Senator and put all my efforts in advancing pending legislation in the 17th Congress,” saad sa pahayag ni Sen. Nancy.

-Mario B. Casayuran