NAG-FILE na rin nitong last day ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ang number one councilor ng Pasig City na si Vico Sotto.

Sinamahan si Councilor Vico ng parents niyang sina Vic Sotto at Coney Reyes sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Pasig City Hall.

Hindi man artista si Councilor Vico, kilalang-kilala naman siya ng mga tagasubaybay ng Eat Bulaga, lalo na iyong mga kababayan niya kapag sa kanilang lugar napupunta ang Sugod Bahay ng “Juan For All All For Juan” segment ng long-running noontime show, dahil personal siyang pumupunta sa lugar at sinisiguro ang katahimikan habang ginagawa ang show, na ikinatutuwa ng mga tagaroon.

Wala raw naman kasing balak mag-artista si Vico, tama na ang kanyang Tatay Vic at Nanay Coney sa showbiz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tatakbo si Councilor Vico sa ilalim ng partido ng Aksyon Demokratiko, at babanggain niya ang ilang taon nang namamayagpag na mga Eusebio.

Post ni Vico sa Facebook: “Sa susunod na mga araw ikukuwento ko sa inyo ang dahilan kung bakit ako tumakbo at ang mga plataporma natin para sa lungsod. God bless Pasig!”

May post isa pang post ang 29-anyos na konsehal: “There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens.”

Sa live video after his filing of candidacy nangako sina Bossing Vic at Coney ng suporta sa kandidatura ng kanilang anak. Sa katunayan, nag-timeout muna si Bossing Vic sa Eat Bulaga at si Coney sa taping niya ng Victor Magtanggol nitong Wednesday para samahan ang kanilang anak.

-NORA V. CALDERON