NAG-POST ang daddy ni Alden Richards, si Richard Faulkerson Sr. o si Daddy Bae ng isang picture na kasama niya ang fan ng anak. Caption niya: “Still remember when I tweeted this? Rest in Peace Madam...

Daddy Bae at fan copy

Dagdag na caption ni Daddy Bae: “yung may nagsabi/lumapit sa yo na may cancer siya at nakakatulong yung anak mo sa pagpapalakas sa kanya... nanahimik ako ng sandali.”

Pumanaw na ang fan ni Alden na ayon sa kapatid niyang si @mamaofpepper, nakapanood pa ang account user na si @LaDivaVida ng Adrenaline Rush concert ni Alden sa Kia Theater noong Setyembre 21, 2018. At ayon sa kaanak ay masaya umano ang naturang nang bawian ng buhay nitong Oktubre 8.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ibinahagi naman ng account user na si @mamaofpepper na pinanood niya ang replay ng Adrenaline Rush sa SNBO nito lang Linggo, at dahil dito ay naalala niya ang mga huling naganap sa sister niya pagkatapos ng concert.

“During the group photo op after the concert, she asked Alden to hold the “Walang Iwanan” banner with her. Then she was able to say to @R_FAULKERSON how Alden has given her joy and my family despite her condition.”

Sa mga ganitong pangyayari, wala namang naipapalit si Alden kundi ang labis na pasasalamat sa mga fans na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

-Nora V. Calderon