May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Robin, tiniyak gagawin lahat ng Senado para mapigil arrest warrant ng ICC kay Sen. Bato!

Sen. Robin, tiniyak gagawin lahat ng Senado para mapigil arrest warrant ng ICC kay Sen. Bato!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Inihayag ni Sen. Robin Padilla sa publiko na tila masakit daw kung itutuloy na maimplementa ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kapuwa niya senador na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. 

Ayon sa naging press briefing ni Padilla nitong Martes, Mayo 12, 2026, nagawa niyang ituro ang pinta ng imahe ng bayaning si Macario Sakay at kinuwestiyon niyang hahayaan pa ba raw ng publikong maulit ang nangyari sa naturang bayani. 

“Masakit ‘yon, masakit ‘yon, masakit ‘yon. Kasi uulitin ba natin ‘yong nangyari kay Sakay?” pagsisimula niya. 

Pagtitiyak ni Padilla, gagawin daw ng Senado ang lahat para mapigilan ang nakaambang warrant of arrest ng ICC sa kasamahan niyang si Dela Rosa. 

“Gagawin lahat ng Senado ang kaniyang kapangyarihan para mapigil ang warrant ng ICC,” aniya. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Paliwanag ni Padilla, malinaw naman daw na kailangang dumaan muna sa Korte ng Pilipinas ang naturang arrest warrant ng ICC at dapat daw na sundin ito bago arestuhin si Dela Rosa. 

“Malinaw naman na ‘yan ay ay dumating muna sa Philippine Court. Meron pang resolusyon ang Senate na ‘yan ay aprudo ng Senado… na dapat ‘yan ay dumaan sa Philippine Court,” diin niya. 

“Siguro sana dapat sundin natin ‘yon,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang naging mainit ang tensyon sa Senado noong Lunes, Mayo 11, 2026, nang magawang takbuhan ni Dela Rosa ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos siyang habulin ng mga ito sa pagdalo niya sa kanilang sesyon. 

Sa pagdating ni Dela Rosa sa plenaryo, emosyonal niyang ibinahagi sa media na hinarang umano siya upang hindi makadalo sa sesyon ng Senado.

Samantala, habang sinusulat ito, hindi pa rin nakakalabas ng Senado si Dela Rosa habang nakamata pa rin sa kaniya ang mga opisyal ng NBI.

KAUGNAY NA BALITA: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado

KAUGNAY NA BALITA: 'Legit!' ICC, kinumpirma arrest warrant laban kay Dela Rosa