SI Regine Velasquez ang latest sa “star trading” ng ABS-CBN at GMA-7.

Regine copy

Marami ang natutuwang kaibigang kapwa singers sa Dos sina Regine at asawang Ogie Alcasid, na nauna nang lumipat sa kanya, dahil nakakasama na nila ang Asia’s Songbird hind lang sa TV shows kundi maging sa mga live performance sa ibang bansa.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mabenta sa mga concert sa abroad ang singers na napapanood sa ASAP. Ayon sa ilang showbiz observers, maaaring isa ito sa mga dahilan ng paglipat ni Regine, bukod pa sa naghihintay nga ang esposo niya para maging Kapamilya na rin siya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Big deal siyempre para sa Dos na big star uli ng Siyete ang lumipat sa kanila. Bahagi ito ng network war.

Isa sa mga sinusundan ni Regine sa pagkabilang-bakod si Ryza Cenon na nanggaling sa highly-rated na Ika-6 Na Utos.

Sinubukan naming isa-isahin ang naglilipatang artista/news celebrity sa dalawang giant networks, kayo na ang bahalang magdagdag ng iba pa na maaaring nakaligtaan namin kung gugustuhin ninyong magparamihan.

Naririto ang iba pang mga Kapuso na naging Kapamilya na: Liza Soberano, Angel Locsin, Toni Gonzaga, Jona, Isabelle Daza, Louise delos Reyes, Aljur Abrenica, Paulo Avelino, Richard Gutierrez, Jake Cuenca, Anne Curtis, JC de Vera, Karylle, Ellen Adarna, Jay-R, Jaya, Iza Calzado at Bernadette Sembrano.

Sila naman ang mga dating ABS-CBN talents na lumipat na sa GMA Network:Willie Revillame, Ai Ai delas Alas, Atom Araullo, Heart Evangelista, Megan Young, Kyline Alcantara, John Estrada, Lauren Young, Rachelle Anne Go, Rayver Cruz, Valeen Montenegro, Manolo Pedrosa, Paul Salas, Coney Reyes, Addy Raj, Laura Lehmann, Gelli de Belen, Carmina Villaroel, Empress Schuck, Mika dela Cruz, Tom Rodriguez, Ivan Dorschner; Glaiza de Castro, Rafael Rosell, Max Collins, Christian Bautista, Martin del Rosario, Camille Prats, Eugene Domingo, Nova Villa, Gloria Romero, Jaclyn Jose, Mel Tiangco, Connie Sison, Pauleen Luna, TJ Trinidad, Iya Villania, Mark Bautista, Angelika dela Cruz, Paolo Contis, Dominic Roco, Jean Garcia, Rodjun Cruz; Christopher de Leon, Meg Imperial, Archie Alemania, Edgar Allan Guzman, Eliza Pineda, Jason Abalos, Jason Francisco, Alyanna Asistio, Marvin Agustin, Matt Evans, Devon Seron, Kelly Day, Sunshine Cruz, Bing Loyzaga, Kiko Estrada at Gabby Concepcion.

-DINDO M. BALARES