MARAMING nagtsa-chat sa amin kung kailan lalabas si Carlo Aquino sa pang-umagang serye ng ABS-CBN, ang Playhouse. Mukhang may mga hang-over pa ang mga nagtatanong sa pinanood nilang Exes Baggage nina Carlo at Angelica Panganiban, na kumita na ng mahigit sa P270 milyon sa loob ng dalawang linggo.

Carlo copy

“Bagay na bagay po kasi talaga sila,” ito ang paulit-ulit na sabi sa amin.

Klinaro namin sa mga nagtatanong na hindi si Carlo ang leading man ni Angelica sa Playhouse kundi si Zanjoe Marudo.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Lalo na ngayon na mukhang magkakabalikan na sina Patty (Angelica) at Marlon (Zanjoe), dahil nasanay na silang magkasama at nag-aalaga kay Robin (JJ Quilantang), na inihabilin sa kanila ng kanilang kaibigan na si Emily na sumakabilang buhay na.

Kung dati ay parang aso’t pusa sa pag-aaway sina Patty at Marlon, kasama na rin ang kani-kanilang partido, ngayon ay hinahanap na nila ang isa’ isa.

“Alam naman namin ‘yun na cameo lang si Carlo, pero siyempre nakakakilig pa rin kung magkasama sila dun (Playhouse),” sabi ng fan ng CarGel. “Sana habaan ang role niya para may love triangle.”Bale ba kinilig din ang ilang CarGel fans nang pabirong pinagbawalan ni Angelica si Carlo na magkaroon ng love scene sa ibang babae sa pelikula. Naganap ang usapang ito sa nakaraang thanksgiving party ng pelikulang Exes Baggage.

Ang sabi raw ng aktres: “Alam mo, hindi ka na puwedeng makipag-love scene sa iba. Hindi puwede. Naku, Diyos ko, bawal!”Sinakyan naman ni Carlo ang pahayag na ito ni Angelica: “Holding hands lang ang puwede sa’yo, ha?”

“Ay hindi na. Ongoing na ang Playhouse,” sagot ni Angelica kay Carlo.

“Naku, ‘yang si Zanjoe talaga. Bibingo na ‘yan.”

Hindi nga kaya pahahabain ang role ni Carlo sa Playhouse dahil mukhang maganda ang tandem nilang tatlo nila Zanjoe at Angelica?

Anyway, panoorin ang Playhouse bago mag-It’s Showtime, sa ABS-CBN.

-Reggee Bonoan