IDEDEPENSA ni Asia’s First Grandmaster Eugene Torre ang tangan na titulo sa pagtulak ng Asian Seniors Chess Championship sa Nobyembre 2-12 sa Tagaytay International Convention Center (TICC) sa Tagaytay City.

Pinangasiwaan ni Torre, kampeon sa torneo nang ganapin sa New Zealand sa nakalipas na taon, ang Philippine Team sa katatapos na 43rd Chess Olympiad sa Batumi, Georgia.

Ang torneo ay hinati sa dalawang division -- ang over-50 at over-65 categories -- kung saan ang nasabing event ay nasa ikasiyam n season.

Nakataya ang P150,000 cash prizes sa mga magwawagi. Ang magkakampeon ay gagawaran ng International Master title at Grandmaster norm. Habang ang runners-up ay tatangap naman ng FIDE Master title. May nakatakda ring Rapid chess championship sa first day ng competition na susundan naman ng 9-round Swiss System tournament at blitz championship sa huling araw.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Ang torneo ay inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines at ng Asian Chess Federation.

Ilan sa mga naunang nagpatala ay sina Tony Davis ng Australia, Oleg Rinas, Aitkazy Baimurzin, Timur Kassymov at Kuanishbek Jumadullayev ng Kazakhstan, Than Khin ng Myanmar, Ahmad Ismail at Kian Hwa Lim ng Malaysia, Mahmou Doudin ng Palestine, Dirwan Sinuraya, Myhammad Novian Siregar, Hendry Jamal at Syarif Mahmud ng Indonesia.

Kabilang naman sa mga lalaban para sa Pilipinas ay sina International Master Chito Garma, Fide Master Adrian Ros Pacis, National Master Judge Rosendo Bandal Jr., National Master Efren Bagamasbad, National Master Stewart Manaog at National Master Rolzon Roullo, ang 2017 Singapore Amateur Chess Championships ruler.

“Players should reach their 50th or 65th birthday in 2018. Participants must have been born in or before 1968 for seniors over 50 and for women over 50, and born in or before 1953 for seniors over 65.” sabi ng organizing committee.