UNITED NATIONS (AFP) – Isang reklamo ang inihain sa Hague-based International Criminal Court laban sa France para sa diumano’y crimes against humanity kaugnay sa nuclear tests na isinagawa sa South Pacific, sinabi ng isang French Polynesian opposition leader nitong Martes.

‘’It’s with a great sense of duty and determination that we filed a complaint at the International Criminal Court on October 2 for crimes against humanity,’’ ani Oscar Temaru, dati ring pangulo ng French archipelago, sa United Nations.

Ang overseas French territory ng halos 290,000 mamamayan ay kilala ngayon bilang ang tourist island ng Tahiti. Ngunit ang Mururoa at Fangataufa atolls nito ay naging saksi sa 193 nuclear tests sa loob ng mahigit tatlong dekada hanggang sa ipatigil ni President Jacques Chirac ang programa noong 1990s.

Libu-libong katao kalaunan ang nagkaroon ng malulubhang karamdaman.
Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito