INAMIN ni Aga Muhlach sa grand presscon ng First Love nitong Lunes na kaya siya nawala sa showbiz for the last few years ay naging mapili siya sa mga love stories na ino-offer sa kanya.

Aga copy

“Kasi halos lahat ng love stories, nagawa ko na. I want something different naman,” paliwanag ni Aga, at iginiit na hindi niya tinalikuran ang pag-aartista.

“Hindi ko tatalikuran ‘tong industriyang to. ‘Pag humihinto ako, napapagod lang ako.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinaliwanag ni Aga na malaki ang tulong ng showbiz para sa kanya, lalo na sa kanyang mga anak at sa buhay na mayroon sila ngayon.

“So, nagpapahinga lang ako, and then minsan napapasarap lang ang pagpapahinga, tumatagal. But hindi ko aalisan itong industriyang ito. Kasi ito ang gumawa sa akin. Ito ang nagbigay ng pinang-aaral ko sa mga anak ko, o kung ano man ang tinatamasa ko ngayon.”

Sa bago niyang pelikulang First Love, ikinuwento ni Aga na bago pa niya nabusisi ang project na iniaalok sa kanya noon ni Direk Paul Soriano ay sinabi niyang si Bea Alonzo ang gusto niyang makatrabaho sa susunod niyang pelikula.

“Matagal ko nang gustong makatrabaho si Bea,” sabi pa ng aktor, inaming updated siya sa mga pelikula ng akrres. “Trailer pa lang, sabi ko, hanga ako sa babaeng ito. Ang husay!.”

-Ador V. Saluta