GINULAT nitong Sabado nang gabi ng mag-iinang Sylvia Sanchez, Ria, Gela, at Xavi Atayde ang mga tindera sa Greenhills bazaar dahil namili silang mag-iina roon.

Niyaya kasi namin ang aktres na mag-dinner kasama ang katotong Rohn Romulo at sinabi niyang hindi sila pupuwede dahil kasalukuyan silang namimili sa tiangge. Biniro pa nga namin siya: “Pinakyaw mo na naman ang buong GH.”

At heto nga, nagkagulo ang mga tindera at panay ang pa-picture sa mag-iina, at maging ang mga namimili ay natuon na ang atensiyon sa mag-iina.

Biniro nga namin si Ibyang na namimili rin pala sa mga tiangge si Ria.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ano ka ba, lahat ng mga anak ko, namimili sa tiangge. Hindi mo lang nakikita. Si Ria laman ng Divisoria ‘yan, mas gusto niyang namimili roon. Bigyan mo ‘yan ng branded o galing sa tiangge, mas type niya ang nabili sa tiangge.

“Hindi naman mahilig sa branded ang mga anak ko. Kapag may okasyon lang o kaya nabili nila nang sale sa ibang bansa o dito. Mahilig sa sale mga anak ko,” mahabang sagot ng aktres.

Sinagot namin siya: “Kasi esekola (sosyal) ang mga anak mo at ipinanganak na mayaman, kaya malay ba naming sanay silang makipagsiksikan sa tiangge.”

“Ano ka ba, sanay na sanay ‘yang mga ‘yan. Mas masikip nga sa Divisoria, ‘di ba. Buti nga sa Greenhills, maluwag pa at aircon,” giit pa ng aktres.

Maging ang mister ni Ibyang na si Papa Art ay nakabili rin ng maraming T-shirts at marami ring napamili ang bunsong anak nilang si Xavi.

As of now ay may out-of-town shooting si Sylvia ng indie film, kasama si Nonie Buencamino. Hindi pa niya binanggit sa amin kung anong titulo at sino ang direktor ng pelikula.

-Reggee Bonoan