ILANG araw na nanahimik si Kris Aquino sa social media simula nang dumating siya galing sa Singapore, at inisip naming nagpapahinga siya nang husto base na rin sa mahigpit na bilin ng doktor niya. Posible rin na abala siya sa paper works ng KCAP, dahil ilang araw din siyang nawala.

Herbert at Kris lang po copy

Pero nitong Linggo nang gabi ay nag-message si Kris kay Bossing DMB na i-check ang kanyang Instagram, at laking gulat ng nakita naming magkasama sila sa dinner ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kasama ang ilang kaibigan mula sa Amerika.

Aamin na kami na nitong mga huling araw ay sobrang down na down si Kris dahil sa ginawa ng taong nanloko sa kanya. Nabanggit pa nga ni Bossing DMB na kailangang mapasaya si Kris at iisang tao lang ang puwedeng magpangiti rito, bukod sa mga anak na sina Joshua at Bimby. Si Mayor Herbert nga. At baka puwedeng dalawin ni Mayor si Kris sa bahay nito.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Pinako-contact sa amin ni Bossing DMB si HB, na inisip muna namin kung tama ba. Kasi baka isipin na naman ng lahat na ginagamit ni Kris ang butihing Mayor ng Quezon City, dahil imposibleng hindi ito lalabas sa publiko.

Hanggang sa tinanggihan namin si Bossing DMB.

“Bossing, huwag na lang po. Baka kasi magka-isyu na naman; pareho silang tahimik, iisiping may nanggagamit o nagpagamit o gumagamit, lalo’t down ngayon si Madam (Kris) at si HB naman ay kakandidato ngayong 2019,” sabi namin kay Bossing DMB.

Naisip marahil ni Bossing DMB na may punto kami kaya sinang-ayunan na lang niya ang sinabi namin. Aniya, “Oo nga, huwag na lang. Baka mas lalong ma-stress si Madam kapag nakabasa na naman ng kung anu-ano.”

Eh, ilang araw pa lang ang nakalilipas ay heto at magkasama na pala sina Kris at Mayor Bistek. At parang hindi nagkasakit ang kilalang social media influencer dahil maganda ang aura niya ngayon.

Caption nga ni Kris sa litratong magkatabi sila ni HB sa isang dinner kasama ang dalawa nilang kaibigan: “Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END. He’s been there whenever I needed a friend, hindi na ko nagulat—nandito siya ngayon.

“Bakit siya? This is my WHY: Nabasa niya mismo my long term endorsement contracts—renewals plus 3 new ones. They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities.

“Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na, ‘naging 1st daughter & 1st sister na ‘ko ‘di mo ba na-appreciate na ikaw ang minahal & ‘di ‘yung posisyon mo?’ Binuweltahan niya ko, ‘kaya nga ang hirap mong maging karelasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin?’

“I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. I’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH.”

As of this writing ay wala pang update ulit si Kris tungkol sa dinner date nila ni Mayor Bistek.

-REGGEE BONOAN