TINATAYANG aabot o hihigit pa sa 1Bilyon pisoang jackpot ng Ultra-Lotto 6/58 ng PCSO para sa Oktubre 9, 2018 (Martes) lottery draw.

Ito na ang pinakamalaking jackpot prize na naitala sa kasaysayan ng PCSO at unang pagkakataon na umabot sa 1Bilyon ang jackpot sa kahit anonglaro ng Ahensiya. Ang huling pinakamalaking jackpot na umabot sa mahigit P741 Milyon ay napanalunan ng isang balikbayan nitong Nobyembre 2010.

Lahat ng panatiko ng lotto ay nakatutok sa kanilang mga TV sets noong nakaraang Linggo upang panoorin ang 9pm live PCSO lottery draw sa PTV 4 kung saan ang jackpot ng UltraLotto ay umabot sa mahigit 954 milyon sa kombinasyon na 45-21-02-30-07-10.

Para sa darating na Martes, inaasahan na mas marami pa ang manonood ng live lottery draw ng PCSO sa PTV 4 at sa PCSO official website at social media accounts sa Facebook at Youtube upang malaman kung may mapaladna mag-uuwi ng Ultra Jackpot na P1Bilyon.
Probinsya

27-anyos sa Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!