BINIGYAN ng standing ovation ang huling performance ng Manila 2018 production ng award-winning stage play na M Butterfly, na ginanap sa MayBank Theater sa Global City, sa pangunguna ni RS Francisco.
Dahil sa tagumpay ng play, masayang inihayag ng bida at producer na si RS na magkakaroon ng nationwide tour ang M Butterfly simula sa 2019.
“It’s the last of the Manila run. We’re going to start na with the tour first quarter of 2019. Happy kasi puwede na akong mag-party, puwede na akong magpuyat, puwede nang kumain ng kung anu-ano. I don’t need to diet anymore,” sabi ni RS.
Habang breaktime sa M Butterfly, plano ni RS na manood ng mga bagong stage productions sa America.
“I’m going to New York to watch all the plays. We’ve been rehearsing for three months—pre-prod, rehearsals, and shows... I’ve missed so many shows in Broadway,” kuwento niya.
Laking pasasalamat at saludo rin si RS sa sikat na Pinoy Broadway producer na si Jhet Tolentino, na kanyang katuwang sa pagbuo sa M Butterfly stage play.
“Actually sulit ang pagod especially na isang Jhet Tolentino na gumawa ng pangalan sa sarili niya hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa Estados Unidos, sa Broadway itinaya niya ang pangalan niya,” pagmamalaki pa ni RS.
Non-profit at ibinigay sa iba’t ibang charity organizations ang kinita ng Manila run ng proyekto ni RS, at marami ang kanilang natulungan, kabilang na ang “Trip to Quiapo”, isang foundation o scriptwriting workshops ni Maestro Ricky Lee na tumutulong sa mga nangangarap na maging manunulat ng script.
-ADOR V. SALUTA