Kinondena ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang paggamit ng imahe ng mga santo sa masamang gawain, tulad ng pagpupuslit ng ilegal na droga.

Ayon kay Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, chairman ng Episcopal Commission on Social Communication, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), isang malaking kalapastanganan sa pananampalatayang Katoliko ang nadiskubreng P15 milyon halaga ang iligal na droga sa likod ng imahe ng Mahal na Birhen na ipinuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

“Sana hindi gamitin ang mga bagay sa ating Simbahan tulad ng mga Santo para gumawa ng masama,” ani Vergara, sa panayam ng Radio Veritas.

-Mary Ann Santiago
Tsika at Intriga

'Marian Rivera,' bet makatrabaho at makausap si Karylle