“Today marks my 20th year in showbiz. Honestly, it still feels unreal,” ito ang hindi makapaniwalang saad ni Kapamilya star Kim Chiu sa pagdiriwang niya ng kaniyang ika-20 taon sa industriya ng showbiz noong Miyerkules, Hunyo 3.
Sa kaniyang Instagram post, binalikan ni Kim ang kaniyang road to stardom bago opisyal na tumungtong sa industriya.
Aniya rito, kasama ang ina, tuwing Linggo, pumupunta sila sa simbahan para mag-alay ng dasal, para sa mataas niyang grado sa paaralan, taong tutulong sa kanila magkakapatid sa pag-aaral, sariling bahay, at kakayahang makatulong sa pamilya.
“As I sit here and look back, I can’t help but remember being that young girl from Cebu. Every Sunday, my mom would bring me to church—either at the Sto. Niño Church or Our Lady of Mount Carmel. Most of the time, it was just the two of us. She would always tell me: ‘Istoryaa ang Ginoo. Ingna Siya unsa imong ganahan,’ [‘Ikwento mo sa Diyos. Sabihin mo sa Kaniya kung ano ang gusto mo,’] pagbabalik-tanaw ni Kim.
“So I did. I prayed for good grades. I prayed for someone to help send us to school. I prayed for a house we could finally call our own. I prayed that one day we’d never have to keep asking for help. I prayed that I would have enough so I could help my family,” aniya pa.
Noong mga panahon daw na ito, mukhang imposibleng matupad ang kaniyang mga dasal, ngunit ilang taon ang makalipas nito, isinasabuhay na niya ang mga dati’y ipinagdadasal lang.
“Back then, some of those prayers felt impossible. And yet, years later, here I am. Living the life I once prayed so hard for,” kuwento ni Kim.
Kaya sa milestone niyang ito, unang-una pinasalamatan ng aktres ang kaniyang solid supporters na walang sawang sumuporta sa kaniya so loob ng dalawang dekada sa showbiz.
“To my solid supporters who have loved and supported me unconditionally for two decades—thank you. Your time, effort, loyalty, and belief in me mean more than words can ever express. Thank you for growing with me and for standing by me through every season of my life,” pagkilala ni Kim.
Sumunod ay ang kaniyang ABS-CBN family na nagsilbi niya tahanan sa loob ng 20 taon, at brands na nagtiwala at nagbigay ng mga oportunidad sa kaniya.
“To my ABS-CBN family, thank you for being my home for the last 20 years. Thank you to all our bosses and everyone behind the scenes for the trust, guidance, and opportunities. To all the brands who believed in me and entrusted me with representing your names, thank you so much.,” saad ni Kim.
Bilang parte pa ng kaniyang lubos na pasasalamat, hiling ni Kim na madagdagan pa ang mga taong ipagdiriwang kasama ang lahat ng umalalay at nagtiwala sa kaniya.
“I always say this, but it’s true: Kung may sobra pa sa salitang “SALAMAT,” yun po ang gusto kong sabihin sa inyong lahat,” masayang saad ni Kim.
“Maraming, maraming salamat po. Cheers to 20 years!!!! and hopefully more and more!!!! love you all!!! MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!” dagdag pa niya.
Unang sumikat si Kim bilang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006, kung saan, siya ang inanunsyong Big Winner.
Mula nito, bumuhos ang TV series at mga pelikulang na kaniyang kinabilangan ilan dito ay ang “My Binondo Girl”, “My Girl”, “Tayong Dalawa”, “Linlang”, at “What’s Wrong with Secretary Kim” Philippine adaptation.
Sa kasalukuyan, isa rin si Kim sa regular hosts ng noontime show na “It’s Showtime.”