June 04, 2026

Home BALITA National

'Huwag kayong patol nang patol!' Sen. Tito, pinasinungalingang nakatanggap ng maleta, 'di pa raw senador noon

'Huwag kayong patol nang patol!' Sen. Tito, pinasinungalingang nakatanggap ng maleta, 'di pa raw senador noon
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshot from Alan Peter Cayetano (FB)

Mariing itinanggi ni Sen. Tito Sotto III ang alegasyong tumanggap siya ng maleta ng pera mula sa mga dating sundalo na tumestigo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ng "Cayetano Bloc" kaugnay ng umano’y mga anomalya sa flood control projects, nitong Huwebes, Hunyo 4.

Matatandaang sa affidavit ng 18-ex Marines na inimbitahan sa Senado, nabanggit ang pangalan ni Sotto na isa raw sa mga nakatanggap ng male-maletang pera noong 2024, at madalas daw na kasama ng kanilang dating boss na si dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon kay Benny Bulontate, personal daw na dinala ang mga maleta sa building ni Sotto sa Baclaran.

Pagkukumpirma ni Cayetano sa ex-soldier, limang mga maleta raw ang nahatid noon kay Sotto na naglalaman ng mahigit ₱40 milyon bawat maleta noong 2024 bago raw magsimula ang campaign period.

Sa isang pahayag na ibinahagi sa media nitong Huwebes, sinabi ni Sotto na wala siyang balak na patulan ang aniya’y walang basehang paratang laban sa kanya.

National

Karton ni VP Sara, bida sa kinasang b-day celebration niya ng mga DDS sa US

“I will not dignify such,” ani Sotto, kasabay ng pagbibigay-diin na hindi siya naninindigang sagutin ang alegasyon nang detalyado.

Ipinaliwanag din ng senador na may malinaw na butas umano sa testimonya ng mga testigo. Ayon kay Sotto, hindi siya miyembro ng Senado mula 2022 hanggang 2025, panahon kung kailan umano naganap ang ilan sa mga sinasabing transaksiyon.

Bukod dito, binanggit din umano sa pagdinig ang isang dating executive assistant niya na nagngangalang “Mark.” Gayunman, sinabi ni Sotto na matagal nang pumanaw ang naturang indibidwal noong 2015, dahilan upang kuwestiyunin niya ang kredibilidad ng mga alegasyon.

“Hindi naman ako senador mula 2022 hanggang 2025,” diin ni Sotto.

Saad pa niya, “Ano ba! Huwag kayong patol nang patol!”

Maki-Balita: Tito Sen, nahatiran umano ng maleta sa Baclaran!—ex-soldier