TULOY pa ba ang McLisse love team nina McCoy de Leon at Elisse Joson?

Elisse & McCoy copy

Inamin ni Elisse na hindi boto ang nanay niya kay McCoy. Hindi naman nag-elaborate ang dalaga kung bilang manliligaw o bilang ka-love team.

Mukhang nakaganda sa parte ni Elisse na wala na siyang ka-love team dahil maraming nag-i-inquire sa kanya bilang solo artist, at challenging role pa ang offer kumpara noong magkasama sila ni McCoy.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero kahit na hiwalay na sina McCoy at Elisse ay hindi pa rin nawawala ang supporters ng McElisse, na kahit daw anong mangyari ay suportado nila ang project ng dalawa.

Patutunayan ng McLisse fans sa susunod na taon na suportado nila ang dalawa, dahil ipalalabas na ang launching movie nila na produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, mula sa direksiyon ni JP Habac. Si Direk JP din ang nasa likod ng I’m Drunk I Love You.

Naniniwala naman kami na kapag maganda ang resulta ng pelikula ng McLisse ay posibleng magtuluy-tuloy na ulit ito.

Hanggang love team na lang kasi, McCoy, huwag mo nang ligawan si Elisse.

-REGGEE BONOAN