Makahulugan ang naging patutsada ng aktres at dating Viva Hot Babes member na si Andrea Del Rosario sa ilang mga Pilipino, hinggil sa "pagsamba" sa mga politiko, sa kaniyang social media post nitong Sabado, Abril 25.
Aniya, mga Pinoy lang daw ang "sumasamba" pa rin sa mga politiko kahit na sangkot ito sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Photo courtesy: Screenshot from Andrea Del Rosario/FB
"Pilipino lang ang ninanakawan na nga ng politiko, sinasamba pa," saad ni Andrea, na umani naman ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Korekk..male-maleta pa!!"
"Konting ayuda, konting relief ayos na ang buto-buto."
"Tunay po at yan ang totoo grabe na nangyayare personalan na kung sinu gumagawa ng tama sya yung binabatikos."
"Sad, but true."
"D ba? Madami kasing mga 8080 sa pilipinas lalo na pag nasuhulan ng 500 petot."
Bukod dito, may mga nauna pang pasaring si Andrea patungkol sa hindi pinangalanang politiko.
"Bawal magpa gamot sa ibang bansa Ang politico, only in our public hospitals!!!" aniya sa isang post.
Saad pa niya sa isa, "Most politicians run not for the people but for their own benefits."
Hindi naman tinukoy ni Andrea kung sinong pinatutungkulan niya pero agree naman dito ang mga netizen.